Unified toll collection system sa mga expressway ikinakasa na

Unified toll collection system sa mga expressway ikinakasa na

Tiniyak ng SMC Tollways na gumagawa na ng paraan para magkaroon ng unified na toll collection system sa mga expressway sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng SMC Tollways, ang Easytrip tag ay hindi pa rin maaring gamitin sa Skyway, NAIAx, SLEX, STAR at TPLEX.

Gayunman, patuloy umano ang koordinasyon para sa lalong madaling panahon ay maipatupad ang unified toll collection system.

Ang nasabing mga expressway ay pag-aari ng SMC Tollways na gumagamit ng AutoSweep para sa collection system.

Ang mga expressway naman na pag-aari ng Metro Pacific Tollways ay ang mga sumusunod:

– NLEX
– SCTEX
– CAVITEX
– CALAX
– C5 Link

Ang Metro Pacific Tollways ay gumagamit naman ng EasyTrip sa kanilang colleciton system.

At dahil ipatutupad na ng DOTr ang cashless policy sa lahat ng expressway simula sa December 1, dalawa ang kailangang pilahan ng mga motorista.

Ang papapakabit ng AutoSweep tag at Easytrip tag.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *