Unang batch ng mga bagong bagon para sa LRT-1 Cavite Extension nasa bansa na
Dumating na sa bansa ang unang batch ng mga bagong bagon na gagamitin para sa LRT- 1 Cavite Extension Project.
Bahagi ang walong mga bagong bagon ng 120 train cars galing sa Spain at Mexico.
Martes (Jan. 26) ng umaga ay isinagawa ang arrival ceremony sa pangunguna ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.
Sinabi ni Tugade na makalipas ang 19 na taon, sa wakas ay magkakatotoo na ang LRT-1 Cavite Extension project.
“19 years ago, this project was started. So, under the Duterte Administration, we pushed and pushed hard. That is why today, we see the steps of the whole realization of this project–partial operability within this year, by accepting the trains and the cars,” ayon kay Tugade.
Sa ngayon ay nasa mahigit 50 porysento na aniyang kumpleto ang proyekto.
Sa isniagawang aktibidad, binanggit ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang buong suporta sa mission at vision ng Duterte administration at ng DOTr.
Sa sandaling makumpleto na ang proyekto, magkakaron na ng biyahe ang LRT-1 mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite. (D. Cargullo)