U-turn slot sa EDSA, isasara simula sa Lunes, Oct. 26

U-turn slot sa EDSA, isasara simula sa Lunes, Oct. 26

Simula sa Lunes, October 26 ay isasara na sa mga motorista ang U-turn slot sa bahagi ng EDSA malapit sa Panorama Building at Waltermart Muñoz.

Ayon ito sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ng MMDA na ang mga motorista ay maaaring dumaan sa alternate route sa Quezon Avenue Service Road U-turn slot kung northbound at Dario Bridge U-turn slot naman kung southbound.

Isa-isang isinasara ng MMDA ang mga U-turn slot sa EDSA bilang bahagi ng patuloy na pagpapabilis sa biyahe ng mga commuter sa EDSA Carousel Bus Routes.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *