Typhoon Rolly napanatili ang lakas; Tropical Cyclone Wind Signal No 3, No. 2 at No. 1 nakataas sa maraming lugar

Typhoon Rolly napanatili ang lakas; Tropical Cyclone Wind Signal No 3, No. 2 at No. 1 nakataas sa maraming lugar

Napanatili ng Typhoon Rolly ang lakas nito habang papalapit sa Catanduanes area.

Ayon sa 5PM weather bulletin ng PAGASA ang mata ng bagyo ay tatawid sa Catanduanes o sa mainland Camarines Provinces bukas ng umaga.

Daraanan din nito ang mainland ng Quezon bukas ng tanghali.

Ayon sa PAGASA, malakas na bugso ng hangin at matinding buhos ng ulan ang mararanasan sa mga lugar na nasa inner rainband at eyewall region ng bagyo.

Dakong alas 4:00 ng hapon ng Sabado, Oct. 31, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 345 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 265 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West Southwest.

Ngayong gabi, ang outer rainbands ng Typhoon Rolly ay maghahatid na ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Bukas ng umaga, makararanas na ng heavy to intense rains sa Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, Aurora, Bulacan, Zambales, Bataan, Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.
Katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding pag-ulan namamn ang mararanasan sa Northern at Central Luzon, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region,.

Nakataas na ang TCWS #3 sa sumusunod na lugar:

– Catanduanes,
– eastern portion of Camarines Sur (Cabusao, Libmanan, Pasacao, Pamplona, Magarao, Bombon, Calabanga, Canaman, Camaligan, Gainza, Naga City, Milaor, San Fernando, Minalabac, Pili, Ocampo, Baao, Bula, Balatan, Nabua, Bato, Iriga City, Buhi, Sagnay, Tigaon, Goa, Tinambac, Siruma, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan),
– Albay

TCWS 2 sa sumusunod na lugar:
– Bulacan
– Rizal
– Metro Manila
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Quezon including Polillo Islands
– Camarines Norte
– rest of Camarines Sur
– Sorsogon
– Masbate including Ticao and Burias Islands
– Marinduque
– Romblon
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro including Lubang Island
– Northern Samar
– northern portion of Samar (Hinabangan, Paranas, Motiong, Jiabong, Catbalogan City, San Jose de Buan, San Jorge, Tarangnan, Gandara, Santa Margarita, Matuguinao, Calbayog City, Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Pagsanghan),
– northern portion of Eastern Samar (San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

TCWS 1 sa sumusunod na lugar:
– Pampanga
– Bataan
– Zambales
– Tarlac
– Nueva Ecija
– Aurora
– Pangasinan
– La Union
– southern portion of Ilocos Sur (Quirino, Gregorio Del Pilar, Salcedo, San Emilio, Candon City, Galimuyod, Santa Lucia, Cervantes, Sigay, Santa Cruz, Suyo, Tagudin, Alilem, Sugpon),
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– central and southern portions of Isabela (Mallig, Quirino, Ilagan, Roxas, San Manuel, Burgos, Gamu, Palanan, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones, Angadanan, Alicia, San Isidro, Ramon, Santiago City, Cordon)
– Calamian Islands
– rest of Eastern Samar
– the rest of Samar
– northern portion of Leyte (Leyte, Tabango, San Isidro, Calubian, Capoocan, Carigara, Tunga, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City)
– Biliran
– northwestern portion of Aklan (Numancia, Lezo, Makato, Tangalan, Ibajay, Nabas, Malay, Buruanga, Kalibo),
– northwestern portion of Antique (Libertad, Pandan)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *