Typhoon Quinta nasa Mindoro Strait na; mga lugar na nakasailalim sa TCWS nabawasan na

Typhoon Quinta nasa Mindoro Strait na; mga lugar na nakasailalim sa TCWS nabawasan na

Nasa bahagi na ng Mamburao, Occidental Mindoro ang Typhoon Quinta.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 125 kilometers North ng Coron, Palawan o sa layong 120 kilometers West Southwest ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Nabawasan naman na ang mga lugar na nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal.

TCWS No. 3:
– northwestern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Mamburao, Paluan) kabilang ang Lubang Island

TCWS No. 2:
– Oriental Mindoro
– nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
– Calamian Islands
– Batangas
– extreme northern portion ng Antique

TCWS No. 1:
– southern portion ng Zambales (San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
– Bataan
– southwestern portion ng Pampanga (Floridablanca, Lubao, Sasmuan, Masantol)
– southwestern portion ng Bulacan (Hagonoy, Paombong, Malolos City, Bulacan, Obando, Meycauayan City)
– Metro Manila
– Rizal
– Cavite
– Laguna
– Quezon kabilang ang Polillo Islands
– Marinduque
– Romblon
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay) kabilang ang Cuyo Islands
– Aklan
– nalalabing bahagi ng northern portion ng Antique (Laua-An, Barbaza, Tibiao, Culasi, Sebaste, Pandan, Libertad)

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Quinta ay maghahatid ngayong araw ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Camarines Norte, Camarines Sur, CALABARZON, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Capiz, at Antique.

Ang tail-end naman ng frontal system ay magdudulot din ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Bukas ng umaga ay lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility.

Samantala, isang Low Pressure Area naman ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 1,920 km East ng Southern Luzon.

Nakatakdang pumasok sa bansa ang LPA sa Miyerkules o Huwebes.

Sa ngayon ay maliit pa ang tsansa na mabuo ito bilang ganap na bagyo.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *