Typhoon Kristine bahagyang humina; lalabas na ng bansa mamayang gabi
Bahagyang humina ang Typhoon Kristine na nakatakda na ding lumabas ng bansa.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,080 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.
Inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo mamayang (Sept.5) gabi.
Patungo ito ng Northern Amami Islands at Tokara Islands sa Ryukyu Archipelago, Japan.
Ayon sa PAGASA walang direktang epekto sa bansa ang bagyo.
Pero may nakataas na gale warning sa baybaying dagat ng Batanes at Cagayan (including Babuyan Islands) kaya pinapayuhan ang may maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot.