Typhoon Kristine agad ding lalabas ng bansa

Typhoon Kristine agad ding lalabas ng bansa

Inaasahang lalakas pa ang Typhoon Kristine pero agad din itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,340 kilometers east ng extreme Northern Luzon.

Kumikilos ito sa direksyong west-northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, mananatili itong malayo sa Philippine landmass at lalabas din agad ng bansa bukas (Sept. 5) ng ng gabi o sa Linggo, (Sept. 6) ng umaga.

Magtutungo ang bagyo sa southern Japan at sa Korean Peninsula.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *