Typhoon Bising lalo pang lumakas; Signal No. 1 nakataas sa 15 lugar sa bansa
Lalo pang lumakas ang Typhoon Bising habang ito ay nasa bahagi ng Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 645 kilometers East ng Maasin City, Southern Leyte.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Nakataas ang Public Storm Warning Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
LUZON
• Sorsogon
• Albay
• eastern portion ng Camarines Sur (Siruma, Goa, Ocampo, Tigaon, Sagnay, Baao, Nabua, Bato, Iriga City, Buhi, Tinambac, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan)
• Ticao Island
• Catanduanes
VISAYAS
• Northern Samar
• Samar
• Eastern Samar
• Biliran
• Leyte
• Southern Leyte
• Camotes Islands
MINDANAO
• Dinagat Islands
• Surigao del Norte (including Siargao and Bucas Grande Islands)
• Surigao del Sur
Bukas, April 18 ang rainbands ng Typhoon Bising ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding pag-ulan sa Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, at Camotes Islands.
Sa Lunes, April 19 ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan ang Northern Samar at Bicol Region.