TWG na tututok sa bagong COVID-19 variant binuo ng IATF
Bumuo na ng Technical Working Group ang pamahalaan para tutukan ang COVID-19 variants batay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang TWG ang magmomonitor at tutukoy sa bagong variants ng COVID-19 sa bansa at maglalahad ng policy recommendations sa IATF para sa karampatang pagtugon.
Si Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire ang mamumunog sa TWG bilang chairperson.
Kasama niya si Executive Director Jaime Montoya ng Philippine Council for Health Research and Development bilang Co-Chair.
Habang miyembro naman ang mga sumusunod:
– Dr. Anna Ong-Lim – DOH Technical Advisory Group (TAG)
– Dr. Marissa Alejandria – DOH TAG
– Dr. Edsel Maurice Salvana – DOH TAG
– Dr. Celia Carlos – Research Institute for Tropical Medicine
– Dr. Eva Maria Cutiongco-dela Paz – University of the Philippines National Institutes of Health
– Dr. Cynthia Saloma – University of the Philippines – Philippine Genome Center
– Dr. John Wong – Epimetrics (D. Cargullo)