TS Pepito lumakas pa; nakataas na Signal No. 2 binawi na ng PAGASA
Lumakas pa ang Tropical Storm Pepito habang ito ay nasa bahagi ng West Philippine Sea.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 210 kilometers northwest ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging umaabot sa 85 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 210 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Binawi na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa ilang mga lalawgan.
Habang nakataas pa rin ang signal no. 1 sa sumusunod na lugar:
– western portion ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani, Agno, Alaminos City, Mabini, Burgos, Dasol, Sual, Labrador, Infanta)
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga o tanghali ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.
Lalakas pa ito habang nasa West Philippine Sea at maaring umabot sa severe tropical storm category.
Ngayong araw, ang bagyo ay maghahatid ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.