Tropical Storm Auring lumakas pa; Signal No. 1 nakataas na sa ilang lugar sa Mindanao

Tropical Storm Auring lumakas pa; Signal No. 1 nakataas na sa ilang lugar sa Mindanao

Lumakas pa ang bagyong Auring habang halos hindi gumagalaw sa silangang bahagi ng Mindanao.

Huling namataan ang bagyo sa layong 595 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugaong aabot sa 90 kilometers per hour.

Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa sumusunod na mga lugar sa Mindanao:

– Davao Oriental
– eastern portion ng Davao de Oro (Pantukan, Maragusan, New Bataan, Compostela, Monkayo)
– southeastern portion ng Agusan del Sur (San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento, Santa Josefa), – southern portion ng Surigao del Sur (Bayabas, Cagwait, Marihatag, San Agustin, Lianga, Barobo, Tagbina, Hinatuan, Bislig City, Lingig)

Ngayong araw hanggang bukas ng umaga, ang bagyo ay maghahatid na ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Caraga, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte.

Bukas ng umaga hanggang sa Linggo ng umaga naman, makararanas na ng katamtaman hanggang malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Caraga Region, Davao Oriental, at Davao de Oro.
Katamtaman hanggang malakas na ulan sa Eastern Visayas, Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, at Davao del Norte.

At mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa nalalabing bahagi ng Visayas, nalalabing bahagi ng Northern Mindanao, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Lanao del Sur, Cotabato, at Davao City.

Sa susunod na 48 oras ay inaasahang lalakas pa ang bagyo at magiging Severe Tropical Storm.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *