Tropical Depression Ferdie nakalabas na ng bansa
Lumabas na ng bansa ang Tropical Depression Ferdie.
Ayon sa PAGASA, alas 9:00 ng umaga ngayong Lunes (Aug. 10) nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Sinabi ng PAGASA Na patungo na sa China ang bagyo at inaasahang tatama sa kalupaan ng Fujian Province.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 265 kilometers West Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte o sa layong 315 kilometers West ng Calayan, Cagayan.
Ang pinagsanib na epekto ng bagyo at ng Habagat ay magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa.
Ngayong araw, ayon sa PAGASA, makararanas ng monsoon rains ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, at Bataan.
Occasional rains naman ang mararanasan sa Batanes, Cagayan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at sa nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at sa Central Luzon.
Samantala, ang isa pang bagyo na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa ay huling namataan sa layong 2,515 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/newsflashwebsite