Tropical Depression Auring nag-landfall sa Batag Island; bilang ng mga lugar na nakasailalim sa signal number 1 nabawasan na

Tropical Depression Auring nag-landfall sa Batag Island; bilang ng mga lugar na nakasailalim sa signal number 1 nabawasan na

Tumama sa kalupaan ng Batag Island sa Northern Samar ang tropical depression Auring.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 30 kilometers Northeast ng Catarman, Northern Samar.

Taglay pa din nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong north northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Sorsogon
– Masbate including Ticao and Burias Islands
– Albay
– Catanduanes
– eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato, Balatan)
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran

Inalis na ang pag-iral ng signal number 1 sa iba pang mga lugar.

Narito naman ang mga lugar na maapektuhan ng pag-ulan dulot ng bagyo:

• Today: Moderate to heavy rains over Northern Samar, Bicol Region, Marinduque, Romblon, and Quezon. Light to moderate with at times heavy rains over Western Visayas, Aurora, Rizal, Samar, northern portion of Eastern Samar and the rest of MIMAROPA.

• Tomorrow: Moderate to heavy rains over Camarines Norte, Quezon, and Aurora. Light to moderate with at times heavy rains over Metro Manila, the rest of CALABARZON, MIMAROPA, Camarines Sur, Bulacan, Nueva Ecija, Isabela, Cagayan including Babuyan Islands, and Batanes.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *