Travel ban sa mga bansang may UK variant ng COVID-19 pinalawig ng IATF
Pinalawig pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang mayroong UK variant ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang umiiral na travel ban ay tatagal pa hanggang sa January 31.
Ang extension ay pinagpasyahan ng IATF dahil ngayong araw, January 15 mapapaso ang travel restrictions.
Sa ilalim ng pinaiiral na travel restrictions, hindi pinapayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahering dayuhan mula sa mga bansang mayroong UK variant ng COVID-19.
Sakop ng umiiral na travel restrictions ang sumusunod na mga bansa:
– United Kingdom
– Denmark
– Ireland
– Japan
– Australia
– Israel
– The Netherlands
– People’s Republic of China including Hong Kong
– Switzerland
– France
– Germany
– Iceland
– Italy
– Lebanon
– Singapore
– Sweden
– South Korea
– South Africa
– Canada
– Spain
– USA
– Portugal
– India
– Finland
– Norway
– Jordan
– Brazil
– Austria
– Pakistan
– Jamaica
– Luxembourg
– Oman
Una nang sinabi ng Department of Health na hiniling na din nila sa IATF at sa Office of the President na mapasama sa travel ban ang UAE.
Ito ay makaraang isang Pinoy na galing ng UAE ang magpositibo sa UK variant ng COVID-19. (D. Cargullo)