Mga dayuhan maari na muling bumiyahe papasok ng bansa
Simula bukas, May 1 ay papayagan na ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, babawiin na ang umiiral na ban sa pagbiyahe ng mga dayuhan papasok sa bansa.
Mananatili naman ang ban sa mga biyahero na galing ng India.
Kabilang sa mga papayagan na pumasok sa bansa ang mga sumusunod:
– mga dayuhan na mayroong valid at existing visa maliban sa mga nasa ilalim ng Balikbayan Program
– mga dayuhan na may pre-booked accomodation na tatagal ng pitong araw sa anumang accredited quarantine hotel o facility
– ang mga dayuhang darating sa bansa ay sakop ng pagpapairal ng maximum capacity sa mga inbound passengers na 1,500 per day