Traslacion sa Enero 2021 hindi na itutuloy

Traslacion sa Enero 2021 hindi na itutuloy

Nagkasundo ang Manila City Government at ang pamunuan ng Quiapo Church na kanselahin na ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Enero 2021.

Ito ay dahil sa pagkakaroon pa rin ng pandemic ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, sa unang pagkakataon hindi idaraos ang Traslacion sa Enero para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa sakit na COVID-19.

Taun-taong dinadagsa ng milyun-milyong deboto ang Traslacion kaya kung hindi ito kakanselahin ay maaring maging dahilan ng paglaganap ng sakit.

“Nakikisuyo po ako, iwasan po muna natin ang mga parada at prusisyon ngayong may pandemya dulot ng sakit na COVID-19. Maaari pong mapahamak ang ating mga deboto, mailagay sila sa alanganin,” ayon sa alcalde.

Sinabi naman ni Quiapo Church rector Monsignor Hernando Coronel na maging ang unang napagkasunduan na ituloy ang pagdadala ng andas sa Luneta mula sa Quiapo Church ay hindi na itutuloy.

Magsasagawa na lamang aniya ng mga misa sa Enero 9 at ilalagay ang mga bikaryo sa canopy sa labas ng simbahan.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *