Transparency Group hinikayat si Senate President Tito Sotto na tumakbong bise presidente

Transparency Group hinikayat si Senate President Tito Sotto na tumakbong bise presidente

Hinikayat ng grupong Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) si Senator Tito Sotto III na tumakbong bise presidente sa 2022 Presidential and Local Elections.

Bilang grupong nagsusulong ng transparency sa public governance, sinabi ng FATEna nagsagawa sila ng pag-aaral sa mga political personalities na sa tingin nila ay maaring kumandidato sa darating na halalan.

Ang pagpili ng mga kandidato ay ibinase sa kung sino ang ang may kakayahang isulong ang transparency sa governance at empowerment ng sambayanan.

Matapos ang isinagawang evaluation, nagkaisa ang mga kasapi ng grupo na si Sen. Sotto ay maituturing na mayroong excellent track record hindi lang bilang public official kundi bilang mamayan.

Sinabi ng grupo na sa kabila ng mainit na pulitika sa senado, nanindigan si Sotto sa mgamahahalagang isyu kahit pa maaring ma-target ng peke at malisyosong operasyon ang kaniyang reputasyon.

Dahil sa kalidad na ito ni Sotto sinabi ng FATE na naniniwala silang kaya ng senate presidente na pagkaisahin at ayusin ang political divide sa bansa.

Tinawag din ng FATE na “true stateman si Sotto.

Dahil dito, hinimok ng FATE si Sotto na kumandidato bilang Vice President sa 2022 elections.

Umaasa din ang FATE na makita din ng sambayanang Filipino people ang mga kwalipikasyon ni Sotto at maliwanagan at maging matalino sa pagboto sa May 2022 polls.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *