Tradisyunal na family gatherings kapag Pasko dapat na isantabi muna – WHO
Iminungkahi ng World Health Organization (WHO) na mabuting iwasan na muna ang pagtitipon ng mga pamilya na nakagawian na tuwing panahon ng Pasko.
Sinabi ng WHO, sa ganitong paraan ay mas maiiwasan ang paglaganap ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Maria Van Kerkhove, COVID-19 technical lead ng WHO, walang “zero-risk” options sa COVID-19.
Ang tanging opsyon lamang aniya ay lower risk o higher risk. Lagi aniyang nariyan ang bantang magkaroon ng pagkakahawaan ng sakit.
Sinabi ng opisyal na bagaman mahirap na hindi magkaroon ng pagtitipon ang pamilya sa Pasko, ito aniya ang pinakamainam na gawin.
Mas mabuti ayon sa WHO na gawing virtually na lamang ang family gatherings.