TINGNAN: US President-elect Joe Biden tumanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine

TINGNAN: US President-elect Joe Biden tumanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine

Nabakunahan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine si US President-elect Joe Biden.

Live na ipinakita sa media ang pagpapabakuna ni Biden sa Delaware Hospital.

Ayon kay Biden sa pag-upo niya sa pwesto sa January 20, prayoridad niya ang paglaban sa COVID-19 na pumatay na ng mahigit 315,000 na mamamayan ng Amerika.

Sinabi ni Biden na walang dapat ikabahala ang publiko at dapat silang tumanggap ng bakuna.

“Today, I received the COVID-19 vaccine. To the scientists and researchers who worked tirelessly to make this possible — thank you. We owe you an awful lot. And to the American people — know there is nothing to worry about. When the vaccine is available, I urge you to take it,” ayon kay Biden.

Nagpabakuna na din ang asawa ni Biden na si Jill Biden.

Habang hindi pa nakatatanggap ng bakuna, paalala ni Biden sa mga mamamayan ng Amerika, ipagpaliban muna ang pagbiyahe ngayong holiday season.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *