TINGNAN: Progress rate ng LRT-2 East Extension Project nasa 96.29 percent na
Inaasahang pasisinayaan na sa buwan ng Abril ang LRT-2 East Extension Project mula Santolan hanggang Antipolo.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) noong January 31, 2021 ay nasa 96.29% na ang overall progress rate ng proyekto.
Sa April 26, 2021 ang target na pagpapasinaya sa LRT-2 East Extension Project at April 27 ay inaasahan na ang partial operations.
Layunin ng LRT-2 East Extension Project na ikunekta ang Metro Manila at ang Probinsya ng Rizal sa pamamagitan ng pagdurutong ng mga istasyong Santolan at dalawang karagdagang istasyon papuntang Antipolo sa Rizal.
Inaasahang malaking ginhawa ang maidudulot nito sa mga pasahero, dahil bukod sa makatutulong ito sa pagluwag ng trapiko, mababawasan din nito ang biyahe mula Recto, Manila papuntang Antipolo.
Mula sa dating tatlong oras na biyahe ay magiging 40 minuto na lamang ang biyahe.