TINGNAN: Manila Cathedral inilatag na ang schedule ng aktibidad para sa Christmas season
Naglabas na ang Manila Cathedral ng schedule ng mga aktibidad nito ngayong Christmas season.
Batay sa schedule na ibinahagi ng Manila Cathedral ang misa para sa Simbang Gabi ay alas 8:00 ng gabi at alas 4:30 ng madaling araw.
Ang Christmas Eve Mass ay gagawin alas 8:00 ng gabi.
Habang sa araw mismo ng Pasko, December 25, ang mga misa ay alas 8:00 at alas 11:00 ng umaga, alas 4:00 ng hapon, at alas 6:00 ng gabi.
Ang New Year’s Eve Mass ay gagawin alas 8:00 ng gabi.
Habang ang misa para sa New Year’s Day, January 1 at gaganapin alas 8:00 at alas 11:00 ng umaga, alas 4:00 ng hapon at alas 6:00 ng gabi.
Ang lahat ng nabanggit na mga misa ay live na mapapanoood sa YouTube at Facebook page ng Manila Cathedral. (DV)