TINGNAN: Maintenance and rehabilitation activities sa MRT-3 nagsimula na
Nagsimula na ngayong araw, March 30 ang pagsasagawa ng maintenance and rehabilitation activities ng MRT-3 kasabay ng pagpapairal ng Holy Week Shutdown.
Kabilang sa mga aktibidad na isinasagawa ay ang pagpapalit ng mga turnouts, paglalagay ng mga bagong point machine at bagong insulation sleeves ng overhead catenary system (OCS).
Patuloy rin ang ginagawang exterior cleaning at overhauling ng mga Light Rail Vehicles (LRVs) ng MRT-3.
Samantala, bunsod ng tigil-operasyon, tinutukan din ng pamunuan ang maagang deployment ng mga karagdagang bus units sa ilalim ng EDSA Carousel Bus Augmentation.
Ito ay upang matulungan ang mga essential travelers at commuters sa nasabing mga petsa na walang biyahe ang MRT-3.