TINGNAN: FDA nagbabala sa publiko sa pagbili ng mga produktong pampaputi at pampakinis

TINGNAN: FDA nagbabala sa publiko sa pagbili ng mga produktong pampaputi at pampakinis

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa pagbili ng ilang brand ng pampaputi at pampakinis.

Ayon sa FDA ang mga produkto ay hindi otorisado ng ahensya at adulterated.

Narito ang pangalan ng mga produkto at kanilang brand:

1. BLEACHING SKIN BY NINA – BLEACHING LIQUID
2. ERASE WHITENING LOTION SPF 50
3. SHANTAHL REJUVENATING SET – REJUVENATING TONER
4. SHANTAHL REJUVENATING SET – NIGHT CREAM

Isinailalim din ang mga aito sa pagsusuri at nagpositibo sa presensya ng HYDROQUINONE at TRETINOIN batay sa ulat ng ASEAN Post-Marketing Alert System (PMAS).

Sinabi ng FDA na ang nasabing mga sangkap ay hindi dapat inihahalo sa cosmetic product batay sa ASEAN Cosmetic Directive (ACD).

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *