TINGNAN: COVID-19 Isolation Facilities sa South Harbor, Manila at Orion, Bataan operational na

TINGNAN: COVID-19 Isolation Facilities sa South Harbor, Manila at Orion, Bataan operational na

Simula araw ng Biyernes, April 9 ay operational na ang COVID-19 Isolation Facilities sa Eva Macapagal Super Terminal sa South Harbor, Manila at Port of Capinpin sa Orion, Bataan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Eva Macapagal Super Terminal ay mayroong 211 cubicles na hinati-hati sa magkakahiwalay na zones.

Pinagbukod-bukod ang mga pasyenteng may mild, advanced, at severe infections.

Maliban sa mga kama, ang Eva Macapagal Terminal ay mayroon ding portable toilets, modular showers, at open-air dining facilities.

Samantala, ang pasilidad sa Port of Capinpin ay mayroong 124-bed capacity, na mayroong 25 cubicles pafra sa high-risk individuals at hiwalay na fully equipped Nurse Station.

Mayroon din itong dalawang room na may 12 bunk beds para sa medical frontliners.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *