Testing bago bakuna iminungkahi ni Sen. Gordon
Mahalagang maisailalim muna sa COVID-19 test ang bawat tuturukan ng bakuna laban sa naturang sa sakit.
Pahayag ito ni Senator Richard Gordon kasundon ng pahayag ng Department if Health (DOH) na hindi na kailangan ng testing bago gawin ang pagbabakuna.
Sinabi ni Gordon na mayroong mga positibo sa COVID-19 na asymptomatic.
Dahil dito, kapag pinagsama-sama sila sa iisang lugar na pagdarausan ng vaccination program ay may posibilidad na sila ay magkahawaan.
“Isipin din natin na marami sa ating popuplasyon ang asymptomatic, at kapag sila ay nagsama-sama sa iisang lugar, may posibilidad na magkahawaan,”
Dahil dito, iminungkahi ng senador na mas mainam na mai-test muna ang indibidwal bago mabakunahan para sa kaligtasan ng lahat. (D. Cargullo)