Temperatura sa Metro Manila bumagsak sa 19.3 degrees Celsius – PAGASA
Malamig na temperatura ang naitala sa Luzon kasama na ang Metro Manila ngayong Linggo, February 21, 2021.
Ayon sa datos mula sa PAGASA, bumagsk muli sa 9.0 degrees Celsius ang air temperature sa Baguio City Linggo ng umaga.
7.9 degrees Celsius naman ang naitalang temperatura sa Benguet State University.
Habang sa Metro Manila, 19.3 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura sa PAGASA Science Garden.
Ito na ang pinakamalamig na temperatura na naitala sa Metro Manila mula nang mag-umpisa ang pag-iral ng Amihan season ngayong taon.
Sa kasaysayan, noong January 18, 1961 naitala ang pinakamababang temperatura sa
Baguio City na 6.3 degrees Celsius.