Temperatura sa Baguio City bumagsak sa 10 degrees Celsius

Temperatura sa Baguio City bumagsak sa 10 degrees Celsius

Bumagsak sa 10 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City ngayong Linggo (Jan. 31) ng umaga.

Ayon sa synoptic station ng PAGASA sa Baguio, alas 5:00 ng umaga ay naitala ang 10 degrees Celsius sa lungsod.

Ito na ang pinakamababang temperatura sa Baguio City simula nang mag-umpisa ang Amihan season.

Sa kasaysayan, noong January 18, 1961 naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio na 6.3 degrees Celsius.

Batay naman sa datos ng Earth Shaker na mula din sa PAGASA, nakapagtala din ng malamig na temperatura sa Tanay, Rizal (18.1 degrees Celsius); Quezon City (20.8 degrees Celsius); at Basco, Batanes (19.4 degrees Celsius) (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *