Telcos hindi na pwedeng magdahilan at kailangan nang pagbutihin ang kanilang serbisyo – Sen. Bong Go

Telcos hindi na pwedeng magdahilan at kailangan nang pagbutihin ang kanilang serbisyo – Sen. Bong Go

Hindi na pwedeng magdahilan ang mga telecommunication companies sa mabagal pa rin nilang serbisyo.

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, kailangang nang mapabuti ng mga telco ang kanilang serbisyo dahil tinugunan na ng gobyerno ang reklamo nila hinggil sa matagal na pagproseso ng permits.

Batay aniya sa naging utos ng pangulo, sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo ay dapat matapos ang permit processing ng mga telco na kinakailangan nila sa kanilang upgrade.

“Meron na pong report na talagang ginagawa na po ng paraan ng ating gobyerno na mapabilis ang serbisyo ng telco, kasi ang dahilan ng telco noon matagal ang processing ng permits. So, nagbigay na ng instruction ang Pangulo na bilisan. In two to three weeks po, dapat tapos na ang permit,” sinabi ni Go nang siya ay bumisita sa Legazpi City, Albay kamakailan.

Sinabi ni Go na maaring masibak sa pwesto ang sinumang magiging dahilan ng pagbagal ng proseso.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11517 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, binibigyang kapangyarihan ang presidente ng bansa na mas pabilisin ang pag-iisyu ng national at local permits, licenses, at certifications kapag mayroong national emergency.

Ito ay upang mas maging madali ang proseso para sa mga business owner at ordinary citizens na nag-aaply ng government documents, gaya ng licenses, permits at certifications.

Noong Agosto, binilinan din ng pangulo ang mga local government unit na tapusin ang pagproseso sa aplikasyon para sa permit ng telecommunications companies sa loob lang ng tatlong araw.

Noong May 2018, nilagdaan naman jni Pangulong Duterte ang RA No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.

Inaamyendahan ng nasabing batas ang Anti-Red Tape Act of 2007, at layong pabilisin ang proseso para makapagsimula at makapagpatakbo ng negosyo sa bansa.

Sa ilalim ng nasabing batas, mayroong standardized deadline para sa government transactions, single unified business application form, iniaatas ang pagtatayo ng business one-stop shops, at dapat ding magakroon na ng zero-contact policy para maiwasan ang korapsyon.

Inaatasan dina ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtayo ng central business portal kung saan doon tatanggapin ang lahat ng business applications, at magkaroon ng Philippine Business Databank na magsisilbing repository of information sa lahat ng negosyo sa bansa.

Noong January 28, 2021, inilunsad na ng DICT sa pamumuno ni Secretary Gregorio B. Honasan II ang Central Business Portal na layong magkaroon ng single online portal sa lahat ng business-related transactions sa gobyerno, kabilang ang mga aplikasyon para sa business permits, clearances, at licenses.

Gamit ang CBP Phase 1 mayroon nang unified application form at user dashboard para makapagparehistro sa Securities and Exchange Commission at sa Bureau of Internal Revenue online.

Mayroon na ding BIR ePayment system para sa registration fees at registration ng employer numbers para sa social security agencies gaya ng Social Security System, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Nagpalabas din ang DICT ng Joint Memorandum Circular na layong pagaanin ang requirements at bawasan ang procedural delays sa pagkuha ng permits, licenses, clearances, certificates, at iba pang other requirements sa pagtatayo ng common towers.

Sinabi ni Go na sa pagsisimula ng operasyon ng third telco player na Dito Telecommunity inaasahang mas bubuti pa ang business competition at maisasaayos ang internet services ng mga telco.

“Ngayon, meron pa tayong pangatlong telco player. So, dapat po, mas meron nang competition, mas pag-igihan pa nila ang serbisyo,” ayon kay Go.

Noong July 2020, inihain ni Go ang panukalang batas na layong i-shift ang lahat ng government transactions sa e-governance para makasabay sa digital age lalo ngayong may COVID-19 pandemic.

Ang Senate Bill No. 1738, o ang E-Governance Act of 2020, ang gobyerno ay dapat magkaroon ng integrated, interconnected, at interoperable information at resource-sharing at communications network.

Ito ay mula sa national hanggang sa local government.

Makatutulong din ang panukalang batas ayon kay Go para mabawasan ang red tape at korapsyon.

“Having a transparent, efficient and responsive delivery of government services is key to reducing corruption and empowering the people to exact accountability from public servants,” ayon pa kay Go.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *