“Team Generals” sa Montalban nagdaos ng Grand Forum

“Team Generals” sa Montalban nagdaos ng Grand Forum

Nagdaos ng “Grand Forum 2022” ng tinaguriang “Team Generals” sa Montalban, Rizal.

Ang “Team Generals” ay pinangungunahan ni Retired Gen. Ronie Evangelista, dating PMA chief bilang mayoralty candidate sa Montalban Rizal.

Habang ang kaniyang running mate ay si Retired Gen. Jun Caparas na PSG official noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Layunin ng forum na makilatis ng iba’t ibang sektor ang mga plataporma ng “Team Generals”.

Kabilang sa mga dumalo sa forum ang mga kinatawan ng senior citizens, solo parents, PWDs, business sector, grupo ng mga riders, sektor ng transportasyon, kabataan, indegenous people, religious sector, at LGBTQ+.

Binigyang pagkakataon ang bawat sektor na nakapagtanong at makapaglahad din ng kani-kanilang mga hinaing.

Ilan lamang sa mga nailahad na hinaing ng mga maliliit na negosyante ay ang hindi anila patas na pagproseso ng permit para sa mga may negosyo.

Tiniyak naman ni mayoralty aspirant Ret. Gen. Ronie Evangelista na kung sila ay papalaring maupo sa puwesto, gagawing technology-based ang mga transaksyon sa munisipyo ng Montalban.

Ayon sa kumakandidatong konsehal na si Julius Torio, isang IT expert, mababawasan ang red tape at palakasan sa mga transaksyon sa gobyerno kung computerized na ang mga transaksyon.

Tiniyak din ng “Team Generals” na sa pagtugon sa mga isyu ay pakikinggan ang panig ng lahat ng apektadong sektor bago magpatupad ng polisiya o bago maglabas ng desisyon.

Mahigpit na katunggali ni Evangelista ang kapatid ng kasalukuyang Mayor ng Montalban.

Tumatakbong mayor ang barangay chairwoman na si Mayet Hernandez na kapatid ng kasalukuyang mayor na si Tom Hernandez. (BVD)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *