Tauhan ng Coast Guard na sumagip sa isang lalaking tumalon sa Quezon Bridge pinarangalan

Tauhan ng Coast Guard na sumagip sa isang lalaking tumalon sa Quezon Bridge pinarangalan

Binigyang pagkilala ng Presidential Security Group (PSG) si CG Seaman Second Class (SN2) Mark Leo Agustino ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Malacañang dahil sa kabayanihang ipinamalas nito upang mailigtas ang isang lalaking na muntik malunod sa Quezon Bridge sa Maynila.

Nang mapag-alaman ang insidente agad na pinuntahan ni Agustino ang naturang tulay at sinisid ang Pasig River.

Ito ay para mailigtas ang biktima na kinilalang si Leopoldo Dela Cruz, 38 taong gulang at taga-Cavite City.

Pagkalipas ng 20 minutong search and rescue (SAR) operation, natunton ni Agustino ang biktima at maingat na isinakay sa isang tugboat.

Dinala si Dela Cruz sa PCG Station Malacañang para mabigyan ng first aid at masigurong maayos ang kanyang kondisyon.

Sa imbestigasyon, ibinahagi ni Dela Cruz na tumalon siya sa Quezon Bridge dahil mayroon daw humahabol sa kanya, pero hindi niya alam ang pagkakakilanlan nito.

Dahil dito, ginawaran si Agustino ng “AFP BRONZE CROSS AWARD” bilang pagkilala sa kanyang katapangan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *