Tatlong sundalo, isang sibilyan patay sa pamamaril sa Lanao Del Norte

Tatlong sundalo, isang sibilyan patay sa pamamaril sa Lanao Del Norte

Nasawi ang tatlong sundalo at isang sibilya makaraang pagbabarilin sila ng mga hindi pa natutukoy na salarin sa Lanao Del Norte.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command ng AFP, nangyari ang insidente umaga nga HUwebes (Jan. 14) sa boundary ng Poona Piagapo at Pantao Ragat.

Sinabi ni Vinluan na nakatanggap ng report ang 4th Mechanized Infantry Battalion na mayroong shooting incident na nangyari sa lugar.

Nang rumesponde ang mga sundalo ay nadatnan ang apat na wala nang buhay at may tama ng mga bala sa katawan.

Ang tatlong sundalong nasawi ay pawang tauhan ng 43rd Mechanized Company sa ilalim ng 4th Mech Bn.

Ayon kay Lt. Col. Domingo Dulay, Commander ng 4th Mech Bn ang tatlong sundalo ay sakay ng motorsiklo at patungo ng palengke nang sila ay pagbabarilin.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at inaalam kung sino ang mga salarin. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *