Tatlong barangay sa Bontoc, Mt. Province isinailalim sa lockdown

Tatlong barangay sa Bontoc, Mt. Province isinailalim sa lockdown

Nagpatupad ng ECQ-like lockdown sa tatlong mga barangay sa Bontoc, Mountain Province.

Epektibo ang lockdown sa Barangays Bontoc Ili, Caluttit at Poblacion simula alas 12:01 ng madaling araw ngayong Lunes (January 25, 2021)

Batay ito sa nilagdaang Executive Order ni Bontoc Mayor Franklin C. Odsey.

Ayon sa EO, itinuturing na critical zone ang nasabing mga barangay kaya dapat pairalin ang ECQ guidelines.

Ito ay matapos makumpirmang mayroong 12 kaso ng UK variant ng COVID-19 sa bayan.

Ipinatupad din ang suspensyon sa pasok sa trabaho sa mayorya ng mga tanggapan sa Provincial Government ng Mt. Province simula January 25 hanggang 31, 2021.

Karamihan kasi ng mga nagtatrabaho sa Provincial Government ay residente ng Bontoc. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *