Tatlo nawawala matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay sa Baguio City
Na-trap ang apat na katao sa loob ng kanilang bahay matapos ang landslide na naganap sa Brgy. Dominican Mirador sa Baguio City.
Ayon sa Baguio City Public Information Office, naganap ang pagguho ng lupa alas 7:30 ng gabi ng Lunes, Oct. 11 sa kasagsagan ng pag-ulan dulot ng bagyong Maring..
Agad nagsagawa ng rescue operations subalit isa pa lamang ang nailigtas at tatlo pa ang nawawala.
Iniutos na ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paggamit ng bagong biling life detector para mahanap ang mga nawawalaa pa.
Samantala, umabot na sa labingdalawang pamilya o limampu;t anim na katao ang inilikas at dinala pansamantala sa evacuation sites.
Sila ay pawang mula sa City Camp Central Happy Homes Old Lucban at sa Brgy. Irisan.
Hanggang alas 4:00 ng madaling araw ngayong Martes, Oct. 12, nakapagtala na ang Baguio City Disaster Risk Reduction and Management Council operation center ng sampung inisidente ng landslide at soil erosion incidents, 5 insidente ng pagbaha at apat na insidente ng pagkatumba ng puno o poste. (DDC)