Task Force PhilHealth tuloy ang imbestigasyon sa ahensya

Task Force PhilHealth tuloy ang imbestigasyon sa ahensya

Siniguro ni Justice Sec. Menardo Guevarra na tuluy-tuloy ang imbestigasyon ng Task Force PhilHealth saisyu ng katiwalian sa PhilHealth.

Ito ay kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Ricardo Morales bilang presidente at CEO ng PhilHealth.

Sinabi ni Guevarra na umuusad ang imbestigasyon ng Task Force na pinamumunuan ng DOJ katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kinumpirma din ni Guevarra na may mga inimbitahan na silang resource persons at ilan dito ang hindi nagsabi ng kumpletong impormasyon.

Umaasa ang task force na makakabuo sila ng isasampang mga kaso sa mga taong nasa likod ng katiwalian.

Samantala, naniniwala si Guevarra na ang taong may sapat na karanasan sa “financial management” ang nararapat na mamuno sa ahensya kapalit ni Morales.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *