Task Force PhilHealth inirekomenda ang paghahain ng reklamong kriminal at administratibo laban sa 25 opisyal ng ahensya
Pormal nang inindorso ng Task Force PhilHealth sa Office of the Ombudsman ang report ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na nagsasaad ng resulta ng imbestigasyon nito sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa naturang report, inirekomenda ang paghahain ng criminal at administrative complaints laban sa 25 incumbent at dating opisyal ng PhilHealth.
Karamihan sa kanila ay pawang mula sa Regional Office 1.
Kabilang sa mga kasong ipinasasampa ang mga sumusunod:
– Falsification by Public Officer under Article 171 of the Revised Penal Code (RPC)
– Malversation under Article 217 of the RPC
– Usurpation of authority under Article 177 of the RPC
– Violations of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act under Republic Act (RA) No. 3019
– Violations of the National Health Insurance Act of 1995 under RA No. 7875, as amended by RA Nos. 9241 and 10606
– administrative liabilities for Grave
Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Batay sa imbestigasyon, lumitaw na may nilikahang fake account sa PhilHealth Regional Office I sa ilalim ng pangalang “Pamela Del Rosario” at ang kontribusyon ay retroactively applied at pineke din ang mga petsa.
May natuklasang 27 pekeng claims sa ilalim ng naturang account.
Inirekomenda din sa report ang pagsasampa ng kaso sa mga PhilHealth officials at mga empleyado na unang naatasang imbestigahan ang naturang anomalya pero bigong matukoy ang mga at maparusahan ang mga nasa likod nito. (D. Cargullo)