Tanggapan ng MTRCB pansamantalang isinara; 2 staff nagpositibo sa COVID-19
Nagpatupad ng temporary closure sa tanggapan ng MTRCB sa Quezon City.
Ito ay makaraang dalawang staff nito ang magpositibo sa COVID-19.
Ayon sa abiso ng MTRCB, upang maiwasan ang paglaganap ng sakit sa iba pang staff at sa mga transacting stakeholders, sarado mula simula ngayong araw, March 3 ang MTRCB office sa Timog Avenue, Diliman, Quezon City.
Magsasagawa muna ng disinfection sa pasilidad.
Magre-resume ang operasyon ng MTRCB sa March 9, 2021 araw ng Martes.
Pinayuhan ang mga stakeholder na gamitin ang online system ng MTRCB kung mayroong concern.