Tandag, Surigao Del Norte niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Norte.
Ayon sa Phivolcs ang sentro ng pagyanig ay naitala sa layong 5 kilometers southeast ng Tandag City alas 4:11 ng hapon ng Miyerkules (June 9).
May lalim na 48 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.