Taguig City nagsagawa ng COVID-19 vaccination dry run

Taguig City nagsagawa ng COVID-19 vaccination dry run

Nagsagawa ngayong araw (January 27) ng dry run sa COVID-19 Vaccination sa Taguig City.

Dinaluhan nina Health Secretary Francisco T. Duque, Sec. Carlito Galvez Jr., Sec. Vince Dizon, kasama sina Mayor Lino Cayetano, Vice Mayor Cruz, Cong. Alan Cayetano, at Cong. Lani Cayetano ang naturang event.

Ang dry run ay paghahanda ng pamahalaang lungsod sa sa pagdating ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Tampok sa dry run ang vaccination procedure mula sa pagbiyahe sa mga vial galing sa ORCA Cold Storage Solutions hanggang sa pagtuturok ng bakuna.

Idinaos ito sa Mega Vaccination Hub sa Lakeshore Complex.

Sa ginawang dry run, mayroong dalawang trained vaccination teams.

Lima sa mga miyembro ng team ang magtuturok ng bakuna habang mayroon ding 24 na Baranggay Health Workers. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *