Suspek sa hit-and-run incident sa Maynila na ikinasawi ng isang nurse sumuko kay Mayor Isko Moreno
Sumuko na kay Manila Mayor Isko Moreno ang suspek sa hit-and-run incident na ikinasawi ng nurse na si Renz Jayson Perez.
Nagtungo sa mayor’s office si Mohamad Ali Sulaiman.
Kasama ni Sulaiman ang kapatid niyang si Sauda Bacaye.
Inasistihan din siya ng abogado an si Atty. William F. Delos Santos at Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace chairman Datu Basher ‘Bong’ Alonto.