Surigao Del Norte niyanig ng magnitude 3.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Norte.
Naitala ang pagyanig sa layong 4 kilometers southwest ng bayan ng San Francisco alas 5:00 ng umaga ng Huwebes, March 25.
May lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity IV – Surigao City; San Francisco, Surigao del Norte
Intensity III – Malimono and Sison, Surigao del Norte
Intensity II – Mainit and Placer, Surigao del Norte