Suplay ng kuryente sa Surigao del Norte at Bohol hindi pa naibabalik ayon sa NGCP
Wala pang suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Surigao del Norte, bahagi ng Surigao del Sur, bahagi ng Agusan del Sur, at sa buong lalawigan ng Bohol.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), 14 na linya pa ang hindi pa gumagana matapos matapos maapektuhan ng Typhoon Odette.
Sinabi ng NGCP na nagpapatuloy ang inspeksyon sa mga naapektuhang linya.
Agad ding magsasagawa ng restoration sa sandaling bumuti na ang lagay ng panahon.
Samantala, naibalik naman na ng NGCP ang suplay ng kuryente sa iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao na naapektuhan ng bagyo. (DDC)