Sundalo sugatan sa pananambang ng NPA sa Mati City

Sundalo sugatan sa pananambang ng NPA sa Mati City

Sugatan ang isang sundalo makaraan silang tambangan ng mga tauhan ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Tagawisan, Barangay Badas, Mati City.

Sa ulat ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, lulan ng kanilang sasakyan ang mga sundalo, Linggo (May 30) ng umaga at patungo sana ng Banaybanay, Davao Oriental nang sila ay tambangan ng mga miyembro ng Weakened Guerilla Force ng NPA.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde na nagresulta sa pag-atras ng mga kalaban.

Agad namang dinala sa Davao Oriental Provincial Medical Center ang nasugatang sundalo.

Ayon kay Army 10th Infantry Division commander Major Gen. Ernesto Torres Jr. ang ginawang pananambang ay pagpapakita ng pwersa ng NPA upang maka-recruit ng mga bagong miyembro.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *