Storage facility para sa COVID-19 vaccines itatayo ng Manila City LGU
Inihahanda na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang storage facility nito para sa mga bibilhing bakuna kontra COVID-19.
Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbili ng 12 units ng refrigeration na akma para sa mga bakuna ng Pfizer, AstraZeneca, Moderna, Sinovac, Johnson and Johnson, Novavax at iba pa.
Kabilang din sa bibilhin ang 50 units ng transport coller.
Ito ay bilang paghahanda sa pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19 sa susunod na mga buwan.
Sinabi ni Moreno na itatayo ng pamahalaang lungsod ang storage facility sa Sta. Ana Hospital.
Dagdag pa ni Moreno, sa prayoridad sa pagbabakuna ay susunod ang LGU sa guidelines na itinatakda ng World Health Organization na dapat mauuna ang medical frontliners iba pang health workers, other frontliners at senior citizens.