State of emergency idineklara sa Ottawa dahil sa ginagawang truck blockade

State of emergency idineklara sa Ottawa dahil sa ginagawang truck blockade

Nagdeklara ng state of emergency sa Ottawa dahil sa isinasagawang truck blockade na nakaapekto na sa malaking bahagi ng Canadian capital.

Sa pahayag sinabi ni Ottawa Mayor Jim Watson na matinding banta sa kaligtasan at seguridad ng mga residente ang nagpapatuloy na demonstrasyon.

Unang sinabi ni Watsons na hindi na sapat ang bilang ng kanilang mga otoridad para kontrolin ang mga nagpoprotestang truckers.

Ang tinaguriang “Freedom Convoy” ay layong tutulan ang vaccine requirement sa Canada para sa mga cross-border trucker.

Sa nakalipas na siyam na araw ay naparalisa na ang downtown ng Ottawa dahil sa ginagawang protesta. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *