State of calamity idineklara sa Roxas, Isabela dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

State of calamity idineklara sa Roxas, Isabela dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Roxas sa lalawigan ng Isabela.

Kasunod ito ng pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bayan.

Batay sa resolusyon ng pamahalaang bayan, noong March 21, umabot sa 162 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Roxas.

Sa report ng local IATF sa Roxas, ang epidemic risk classification sa munisipalidad ay nasa “kritikal” na.

Sa kasalukuyan ay nagpapatupad ng zoning containment strategy sa 16 na mga barangay sa Roxas.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *