SSS pinag-iingat ang mga miyembro sa online scammers
Pinag-iingat ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga miyembro sa pag-access sa pekeng website.
Sa abiso ng SSS dapat maging maingat ang mga miyembro sa online scammers na humihikayat na i-access ang pekeng SSS website.
Sinabi ng SSS na ang layunin nito ay makuha ang personal na impormasyon ng mga miyembro at gagamitin ito sa hindi otorisadong pag-apply ng benepisyo o loan.
Para maiwasan na maloko at matiyak na lehitimong SSS website ang ina-access, payo ng SSS ay iclick ang kulay gray na padlock sa kaliwang bahagi ng address bar para makita ang security certificate.
Mayroong captcha window na lalabas at kailangan itong i-click bago makarating sa homepage ng SSS.