SSS Branch sa Gil Puyat, Makati sarado ngayong araw para sa disinfection; ilang empleyado nagpositibo sa COVID-19
Sarado pa rin ngayong araw ng Martes, February 23 ang SSS Makati-Gil Puyat (MGP) Branch.
Ito ay para magbigay-daan sa isasagawang decontamination at disinfection sa tanggapan.
Ilang empleyado kasi ng naturang branch ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa abiso ng SSS, ang kanilang mga miyembro makipagtransaksyon sa iba pang SSS branches sa Makati City.
Kabilang dito ang sumusunod na mga branch:
SSS Makati-J.P. Rizal (Tellering Services unavailable)
SSS Makati – Chino Roces
SSS Makati-Guadalupe