Special commercial flights para maiuwi ang mga stranded na Pinoy sa ibang bansa pinayagan ng IATF

Special commercial flights para maiuwi ang mga stranded na Pinoy sa ibang bansa pinayagan ng IATF

Pinayagan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagkakaroon ng special commercial flights para maiuwi sa Pilipinas ang mga stranded na Filipino sa Oman, Dubai, Abu Dhabi, at iba pang bansa kung saan mayroong ipinatutupad na travel restrictions ang Pilipinas.

Ayon sa IATF ang mga special commercial flight ay kailangang makasunod sa mga guidelines gaya ng pagkakaroon ng Special Working Group (SWG).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga kinatawan mula sa Department of Health, Bureau of Quarantine, Overseas Workers’ Welfare Administration, Department of Foreign Affairs, Department of Transportation, Philippine Coast Guard at Department of Tourism ang bubuo sa SWG. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *