Siyam na panukalang batas na iniakda at sinuportahan ni Senator Bong Go, naipasa noong nagdaang taon
Sa nagdaang taong 2020, umabot sa 14 na mahahalagang batas ang naipasa ng 18th Congress.
Sa nasabing bilang, siyam ang iniakda at sinuportahan ni Senator Christopher “Bong” Go.
Isa sa pinakamalaking legislative accomplishments ni Go ay ang pagkakapasa ng Republic Act No. 11463, o ang ‘Malasakit Centers Act’.
Sa ilalim ng naturang batas, kailangang magtayo ng Malasakit Center na one-stop shop para sa medical assistance, sa Philippine General Hospital at sa lahat ng ospital na nasa ilalim ng Department of Health.
Si Go din ang principal author ng RA 11462 na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections mula May 2020 patungong December 2022.
Ito ay para mabigyang pagkakataon ang mga kasalukuyang nakaupo na opisyal ng barangay na matapos ang kanilang mga programa at proyekto.
Isa din sa naging priority measure ni Go ang RA 11466 o ang ‘Salary Standardization Law 5’ na nagtataas ng sweldo sa lahat ng government employees, kabilang ang public nurses at teachers, mula 2020 hanggang 2023.
Co-author at co-sponsored din ang senador ng RA 11469 o ang ‘Bayanihan to Heal as One Act’. Ito ay layong makatugon ang pamahalaan sa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Sa ilalim ng batas, naglaan ng pondo para sa stimulus packages at recovery plans sa mga pinaka-apektadong sektor.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Health, isinulong din ni Go ang pagpasa sa mga batas na nagtataas ng bed capacity at nag-upgrade ng serbisyo sa iba’t ibang local hospitals.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Bicol Medical Center sa Naga City
– Bicol Women’s and Children’s Hospital sa Pamplona, Camarines Sur
-Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City
– Caraga Regional Hospital sa Surigao City
– Las Piñas General Hospital at Satellite Trauma Center sa Las Piñas City
– Malita District Hospital sa Malita, Davao Occidental
– Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City
– Siargao District Hospital in Dapa, Surigao del Norte
– Maria L. Eleazar District Hospital sa Tagkawayan, Quezon
– Talisay District Hospital sa Talisay City, Cebu
– Western Visayas Medical Center sa Iloilo City
Bilang chairman naman ng Senate Committee on Sports, iniakda ni Go ang RA 11470 o ang ‘National Academy of Sports Act’.
Nakasaad sa batas ang pagtatayo ng NAS sa New Clark City sa Capas, Tarlac na magbibigay sa mga student-athletes ng quality education kasama ang special curriculum on sports.
Co-author din si Go ng RA 11476 na nag-institutionaliz sa Good Manners and Right Conduct at Values Education bilang core subjects sa ilalim ng K-12 curriculum sa public at private schools.
Narito ang iba pang mga batas na isinulong ng senador bilang co-author o co-sponsor:
– Senate Bill No. 1318 or the ‘Organic Agriculture Act’
– SBN 1365 or the ‘Alternative Learning System Act’
– SBN 1520 or ‘Doktor Para sa Bayan Act’
– SBN 1844 (gives the President the authority to expedite the processing and issuance of national and local licenses, permits, and certifications)
– SBN 1807 (designates the month of October as ‘National Cooperative Month’)
– SBN 1396 (expedites the delivery of benefits to coconut farmers through the creation of a trust fund).
Samantala, nakabinbin pa ang iba pang panukalang batas ni Go kabilang ang SBN 1738 (institutionalizing the transition of the government to e-governance), SBN 1949 (establishing the Department of Overseas Filipinos) at SBN 205 (establishing the Department of Disaster Resilience).
Samantala, sa kabila ng nararanasang COVID-19 pandemic nagpatuloy ang serbisyo ng tanggapan ng senador sa publiko.
“Ginagawa ng gobyerno ang lahat para maiahon ang ating mga kababayan mula sa hirap na ating dinaranas. Magtiwala po tayo dahil kapakanan ninyo ang inuuna namin,” ayon kay Go.
Sinabi ni Go na batid niyang maraming mamamayan ang naapektuhan ng pandemya at mga nagdaang kalamidad na labis na nangangailangan ng tulong.
“Marahil sinusubok ng taong ito ang ating pananampalataya at katatagan. Now, more than ever, unity and cooperation are necessary for us to overcome these challenges. Kaya patuloy lang po dapat tayong magtulungan at magbayanihan,” dagdag ng senador.
Sa nagdaang taong 2020, nagpatuloy ang senador at kaniyang team sa pagkakaloob ng tulong sa mga nangangailangan.
“As I have said numerous times, I will not limit myself to serving as a Senator only. Bilang public servant, magseserbisyo po ako sa inyo kahit saan man kayo sa mundo para tugunan ang inyong mga suliranin, pakinggan ang inyong mga hinaing, at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” dagdag pa ni Go.
Tiniyak ni Go na magpapatuloy ang pag-asisite ng kaniyang tanggapan sa mga nasunugan, tinamaan ng lindol, apektado ng pagputok ng bulkan, nabahaan, at lahat ng klase ng krisis. (D. Cargullo)