Sipalay City, Negros Occidental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong 9 kilometers northwest ng Sipalay City ala 1:32 ng madaling araw ngayong Linggo, March 7.
Tectonic ang origin ng lindol at 19 kilometers ang lalim.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks at pinsala.